(alam kong maraming makakarelate...welcome sa'kin ulit sa blog ko! TAGAL KO NANG HINDI NAKAKAPAGBLOG!)
Tula ng Pangungulila
ni Liza Marie M. Antonio
Tumatanaw ako gabi-gabi
Sa bintana; iginagala ang paningin
Pilit na sinusuyod ng mata ang dilim
Naghihintay kasi sa pagbabalik mo, giliw
Maraming taon na ang nagdaan
Marami na rin tayong pinagsamahan
Pangako mo noo'y hindi ako iiwan
Ngunit ngayon, ikaw ay nasaan?
Hinahanap-hanap ko ang galak na iyong dala
Kaya naman ako ngayo'y nangungulila
Ako'y nabalisa sa bigla mong pagkawala
Bakit ka ba biglang lumisan, aking sinta?
Hindi ko man alam ngayon kung saan ka hahanapin
Ngunit pagsamo ng puso ko'y iyong dinggin
Andito ako, naghihintay sa'yong pagdating
Mula sa ating pagkawalay, ika'y bumalik sa aking piling
Ngayo'y 'di ko na alam ang aking gagawin
Sa paghahanap sa'yo, lahat ay sasagupain
Sa lahat ng aking pagkukulang, ako sana'y patawarin
Isa pang pagkakataon; sa'yo ay aking hinihiling
Thursday, April 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment