Thursday, April 15, 2010

Sa Muling Paghawak ng Aklat

Sa Muling Paghawak ng Aklat
ni Liza Marie M. Antonio


Sa muling paghawak ng aklat
Ang kaluluwa ko'y muling namulat
Na ang puso pala'y naging salat
Ang boses ko pala'y matagal nang namamalat


Sa muling pagbuklat ng pahina
Muli kong naalala
Ako pala'y minsang naging malaya
Ngunit ngayo'y naging isang bilanggo na


Sa muling pagbasa ng akda
Ako'y kaagad na nahalina
Na tumulad sa ginawa
Ng sumulat na makata


At dahil sa muling paghawak ng aklat
Sa muling pagbuklat ng pahina
Sa muling pagbasa ng akda
Sa wakas, nakasulat muli ako ng isang tula!

Tula ng Pangungulila

(alam kong maraming makakarelate...welcome sa'kin ulit sa blog ko! TAGAL KO NANG HINDI NAKAKAPAGBLOG!)

Tula ng Pangungulila
ni Liza Marie M. Antonio


Tumatanaw ako gabi-gabi
Sa bintana; iginagala ang paningin
Pilit na sinusuyod ng mata ang dilim
Naghihintay kasi sa pagbabalik mo, giliw


Maraming taon na ang nagdaan
Marami na rin tayong pinagsamahan
Pangako mo noo'y hindi ako iiwan
Ngunit ngayon, ikaw ay nasaan?


Hinahanap-hanap ko ang galak na iyong dala
Kaya naman ako ngayo'y nangungulila
Ako'y nabalisa sa bigla mong pagkawala
Bakit ka ba biglang lumisan, aking sinta?


Hindi ko man alam ngayon kung saan ka hahanapin
Ngunit pagsamo ng puso ko'y iyong dinggin
Andito ako, naghihintay sa'yong pagdating
Mula sa ating pagkawalay, ika'y bumalik sa aking piling


Ngayo'y 'di ko na alam ang aking gagawin
Sa paghahanap sa'yo, lahat ay sasagupain
Sa lahat ng aking pagkukulang, ako sana'y patawarin
Isa pang pagkakataon; sa'yo ay aking hinihiling

Thursday, July 23, 2009

Tula Ko Kung Wala Na Akong Maisulat

(Isinatula ko ang experience ko ukol sa tinatawag na writer's block.)

Tula Ko Kung Wala Na Akong Maisulat
by Liza Marie M. Antonio

Gusto ko sanang makasulat
Ng isang magandang tula
Pero hindi ko mahagilap
Ang magagandang salita

Gusto ko sanang ipahayag
Ang dahilan ng tuwa't galak
Pero wala ni isang salita
Ang makakapagsabing ganap

Gusto ko sanang ikwento
Ang dahilan at buong kwento
Pero walang salitang makakapagpaliwanag
Kung bakit hinahampas ako ng kalungkutan

Gudto ko sanang ikwento
Ang pangamba sa aking puso
Pero walang salitang makakapagsabi
Kung bakit ang pangamba ko'y napakatindi

Gusto ko rin sanang maisatitik
Ang aking karanasan sa pag-ibig
Pero walang salitang makakapara
Sa sakit na nadarama

Gusto ko sanang makasulat
Ng isang magandang tula
Pero bakit laging bitin at kulang
At hindi nagiging sapat ang salita?

Saturday, June 20, 2009

Balang Araw

"Isang tula na para sa mga taong walang-pagod na naghihintay sa mga taong mahal nila... XD"

Balang Araw
by Liza Marie Antonio

Alam kong balang araw...
Magkukrus ulit ang landas natin
At makikita ko ulit
(Pagkatapos ng matagal na panahon)
Ang nakakatuwa mong ngiti

Balang araw...
Alam kong papatawanin mo ulit ako
At kukwentuhan ng mala-nobelang kwento
At maririnig ko ulit
Ang iyong matinis na tinig

Balang araw...
Alam kung uupo ka ulit sa tabi ko
At papakinggang muli ang mga problema ko sa mundo
At alam kong magbibigay ka ng payo
Para palakasin muli ang loob ko

Balang araw...
Makikita ulit kita
Makakausap ulit kita
At sa tagal ng paghihintay
Masasabi ko na ang mga salitang "salamat ha!"

Pero baka balang araw...
Saka ko lang mapagtanto
Na nasayang lang ang paghihintay ko
Nag-iilusyon lang pala ako
Na magkikita pa ulit tayo

Wednesday, May 20, 2009

Sentimyento ng Isang Nais Maging Makata (isang page mula sa aking diary)


Hindi ko alam kung bakit parang hinahatak ako ng papel at pluma. Para bang merong boses sa aking kalooban na nagsasabing "magsulat ka...magsulat ka..." Nababaliw na ba ako?


Kaya naman wala akong nagawa kundi sundin ang boses na iyon. Eto, nagsusulat ako sa kalagitnaan ng gabi, o umaga. Ewan. (Siguro mas mabuti kung sasabihin kong "...nagsusulat ako kahit madaling araw na..." FYI, 12:10 na ng umaga nung sinulat ko 'to! XD)


Ewan ko ba kung bakit nais kong maging isang makata. Siguro, para "...aking mailahad/ ang nasa aking kalooban... upang ...maisalaysay...kung gaano kasarap mabuhay...upang maisatitik/ ang awit ng kagalakan/ O ang panaghoy ng kalumbayan... (ang mabuti pa'y basahin mo ang tulang "Nais kong Maging Isang Makata" na nasa ibaba). Ngunit iniisip kong mahirap maghagilap ng talinghaga, at isa pa, hindi rin naman mailalathala ang mga tula ko sa mga aklat at peryodiko. Hindi rin naman siguro magkaka-interes ang mga kabataan at kahenerasyon ko sa pagbasa ng aking mga tula't sanaysay. Baka makornihan lang sila. (Pero sa totoo lang, mas gusto kong sumulat ng tula sa Wikang Filipino; tumatatak sa gunita, tumitimo sa budhi.)


Kung sa bagay, wala namang mawawala sa'kin kung sumulat ako ng tula. Basta, nagawa ko. Ayoko namang paghinayangan na pagdating ng panahon, maiisip kong "sayang". Isa pa, hindi ko naman talaga hinahangad ang tagumpay o ang maging bantog sa larangang ito. Kundi, gusto ko lang na maging parte ng buhay ng isang tao. O 'di kaya'y mag-iwan ng bakas. Kahit man lang sa pamamagitan ng tula.


Kaya naisip ko na i-post na lang sa blog na ito ang mga tula ko. Para naman "hindi mapanis o mabulok ang sustansiya ng tulang nakasipi sa kwaderno." Aminado ako, hindi namna ako magaling sa pagsulat. Maaaring hindi akma ang mga salita, hindi magkapareho ng haba ang mga taludtod at hindi magkapareho ang bilang ng taludtod sa bawat saknong. Pero, muli, ginagawa ko ito upang "mag-iwan ng bakas."


NAIS KONG MAGING ISANG MAKATA

ni Liza Antonio


Nais kong maging isang makata
At magsulat ng mga tula
At nang aking mailahad
Ang nasa aking kalooban

Nais kong maging isang makata
Upang aking maisalaysay
Ang tunay na kahulugan ng buhay
At kung gaano kasarap mabuhay!

Nais kong maging isang makata
Upang aking magabayan
At sa liwanag ay maakay
Ang mga naliligaw sa landas ng buhay

Nais kong maging isang makata
Upang aking mahilom
Ang mga sugat sa puso
At mga peklat ng kahapon

Nais kong maging isang makata
Upang aking maisatitik
Ang awit ng kagalakan
O ang panaghoy ng kalumbayan

Nais kong maging isang makata
Upang maipakita ang hindi nakikita
Upang ibulong ang hindi naririnig
Upang maipadama ang hindi masabi

Nais kong maging isang makata
Nang sa pamamagitan ng matatalinghagang parirala
At sa aking munting paraan
Ay maihayag ko ang Mabuting Balita

Wednesday, April 15, 2009

April 14, 2009

Yes! Distribution of cards na! Makikita ko na naman ang mga namimiss ko!!!

Dapat sabay kami ni Kaila pagpunta sa school. Kaya lang, 'di natuloy. :'( Anyway, ang una kong nadatnan sa Kiosk ay sina Raisa, Lance, Juzelle at Chy. (Pareho kaming nakagreen ni Lance...) At unti-unti nang dumating ang classmates ko. Masaya talaga ako 'nung araw na 'yun kasi napunta ulit ako sa school at nakita ko nanaman ang mga kaklase at teachers ko, miss na miss ko na kasi sila!!!

'Nung kinuha ko na 'yung card namin, nalaman namin na may mga natanggal sa'min. Malungkot, kasi hindi na kami kumpleto. Sabi ko nga, sana hindi kami mabawasan, madagdagan lang. Pero sa isang klase dapat 'di lalampas ng 50 students kaya, wala na kaming magagawa. Pero kahit na ganun, may madadagdag din naman. Kaya lang, siyempre, iba pa rin ang first batch ng III-St. Albert the Great.

Tapos may time capsule din kami. Inilagay ko 'dun ay isang letter para sa classmates ko at isang kopya ng tulang "I am Special" na binigay ni Mrs. Cruz noon.

Siyempre, hindi matatapos ang araw kung hindi ko makakausap ang ilang friends ko. Merong pinagtatawanan nila 'yung picture ko 'nung recognition day. May nagparinig sa'kin ng isang "witchy laugh" sa cp niya. May isang medyo badtrip 'nung araw na 'yun. May NAKAIWAN sa'kin mg salamin niya. (Hindi ko alam na nasa akin pala 'yung salamin niya. Pero kinuha na niya sa'kin). May willing ibaon ang cellphone niya sa time capsule. May naglagay ng maraming "memorabilia" sa time capsule. Basta marami pang iba.

!2:00 nn na'ko nakauwi 'nun. Nakita ko 'yung card ko, may ilang tumaas, may bumaba. Pero thankful talaga ako dahil sa 98.02 at 98.10 na nakuha ko sa card. First time kasi 'yun ngayong third year.

Ngayon, I'm looking forward sa mangyayari sa June. Goodbye St. Albert. Hello St. Aloysius!

Easter Sunday

Pagkatapos ng pagpuprusisyon, pagbasa, pagtitika sa kasalanan, pagninilay sa sermon ng pari, fasting at abstinence, makalmot ng pusa at madapa sa hagdan namin, Easter Sunday na!

6:16 am na ako nagising... at dahil dun hindi ako nakapanood ng Salubong. First time kong hindi nakapanood ng Salubong simula 'nung Grade 5 ako. Hayy...wala akong magagawa, ganun talaga. Pero kahit na ganun, may chance pa naman akong makapanood ng "kapitana" sa Senakulo mamaya.

Anyway, kung hindi rin kayo nakapanood ng Salubong, visit niyo na lang ito: http://www.youtube.com/watch?v=ADRYAsL9CQs&feature=related

After naming magsimba at kumain, diretso na kami sa bagong site na kami ng Senakulo. 8:00 pm kami nakarating 'dun. Dati kasi sa Brgy. San Andres eh ngayon nasa Brgy. San Juan na. Isa pang dahilan kung bakit maaga kaming pumunta 'dun ay dahil sa nagtitinda kami 'dun. Madaling-araw na kaming natutulog kasi madaling araw na rin natatapos ang Senakulo. Isa 'yun sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagising ng maaga para manood ng Salubong.

At 'yun, nanood na kami. May bonus pang play tungkol sa Christianization ng Cainta. At sa wakas! Napanood ko rin ang pinakahihintay kong "Kapitana"! Anak ni Mrs. Amalia 'yung kapitana ng Baryo Dayap, si Mary Ybet Amalia. Sa Brgy. San Juan naman si Isabel de Guzman. Sa Brgy. San Roque si Jenny de Leon at sa Brgy. San Andres ay si Colette Cruz.

Pagkatapos 'nun, umuwi na kami ng ate ko kasi gagawa pa siya ng baby thesis. Tinulungan ko siyang gumawa 'nun. At 'yun...puyat pa rin.