Thursday, July 23, 2009

Tula Ko Kung Wala Na Akong Maisulat

(Isinatula ko ang experience ko ukol sa tinatawag na writer's block.)

Tula Ko Kung Wala Na Akong Maisulat
by Liza Marie M. Antonio

Gusto ko sanang makasulat
Ng isang magandang tula
Pero hindi ko mahagilap
Ang magagandang salita

Gusto ko sanang ipahayag
Ang dahilan ng tuwa't galak
Pero wala ni isang salita
Ang makakapagsabing ganap

Gusto ko sanang ikwento
Ang dahilan at buong kwento
Pero walang salitang makakapagpaliwanag
Kung bakit hinahampas ako ng kalungkutan

Gudto ko sanang ikwento
Ang pangamba sa aking puso
Pero walang salitang makakapagsabi
Kung bakit ang pangamba ko'y napakatindi

Gusto ko rin sanang maisatitik
Ang aking karanasan sa pag-ibig
Pero walang salitang makakapara
Sa sakit na nadarama

Gusto ko sanang makasulat
Ng isang magandang tula
Pero bakit laging bitin at kulang
At hindi nagiging sapat ang salita?

Saturday, June 20, 2009

Balang Araw

"Isang tula na para sa mga taong walang-pagod na naghihintay sa mga taong mahal nila... XD"

Balang Araw
by Liza Marie Antonio

Alam kong balang araw...
Magkukrus ulit ang landas natin
At makikita ko ulit
(Pagkatapos ng matagal na panahon)
Ang nakakatuwa mong ngiti

Balang araw...
Alam kong papatawanin mo ulit ako
At kukwentuhan ng mala-nobelang kwento
At maririnig ko ulit
Ang iyong matinis na tinig

Balang araw...
Alam kung uupo ka ulit sa tabi ko
At papakinggang muli ang mga problema ko sa mundo
At alam kong magbibigay ka ng payo
Para palakasin muli ang loob ko

Balang araw...
Makikita ulit kita
Makakausap ulit kita
At sa tagal ng paghihintay
Masasabi ko na ang mga salitang "salamat ha!"

Pero baka balang araw...
Saka ko lang mapagtanto
Na nasayang lang ang paghihintay ko
Nag-iilusyon lang pala ako
Na magkikita pa ulit tayo

Wednesday, May 20, 2009

Sentimyento ng Isang Nais Maging Makata (isang page mula sa aking diary)


Hindi ko alam kung bakit parang hinahatak ako ng papel at pluma. Para bang merong boses sa aking kalooban na nagsasabing "magsulat ka...magsulat ka..." Nababaliw na ba ako?


Kaya naman wala akong nagawa kundi sundin ang boses na iyon. Eto, nagsusulat ako sa kalagitnaan ng gabi, o umaga. Ewan. (Siguro mas mabuti kung sasabihin kong "...nagsusulat ako kahit madaling araw na..." FYI, 12:10 na ng umaga nung sinulat ko 'to! XD)


Ewan ko ba kung bakit nais kong maging isang makata. Siguro, para "...aking mailahad/ ang nasa aking kalooban... upang ...maisalaysay...kung gaano kasarap mabuhay...upang maisatitik/ ang awit ng kagalakan/ O ang panaghoy ng kalumbayan... (ang mabuti pa'y basahin mo ang tulang "Nais kong Maging Isang Makata" na nasa ibaba). Ngunit iniisip kong mahirap maghagilap ng talinghaga, at isa pa, hindi rin naman mailalathala ang mga tula ko sa mga aklat at peryodiko. Hindi rin naman siguro magkaka-interes ang mga kabataan at kahenerasyon ko sa pagbasa ng aking mga tula't sanaysay. Baka makornihan lang sila. (Pero sa totoo lang, mas gusto kong sumulat ng tula sa Wikang Filipino; tumatatak sa gunita, tumitimo sa budhi.)


Kung sa bagay, wala namang mawawala sa'kin kung sumulat ako ng tula. Basta, nagawa ko. Ayoko namang paghinayangan na pagdating ng panahon, maiisip kong "sayang". Isa pa, hindi ko naman talaga hinahangad ang tagumpay o ang maging bantog sa larangang ito. Kundi, gusto ko lang na maging parte ng buhay ng isang tao. O 'di kaya'y mag-iwan ng bakas. Kahit man lang sa pamamagitan ng tula.


Kaya naisip ko na i-post na lang sa blog na ito ang mga tula ko. Para naman "hindi mapanis o mabulok ang sustansiya ng tulang nakasipi sa kwaderno." Aminado ako, hindi namna ako magaling sa pagsulat. Maaaring hindi akma ang mga salita, hindi magkapareho ng haba ang mga taludtod at hindi magkapareho ang bilang ng taludtod sa bawat saknong. Pero, muli, ginagawa ko ito upang "mag-iwan ng bakas."


NAIS KONG MAGING ISANG MAKATA

ni Liza Antonio


Nais kong maging isang makata
At magsulat ng mga tula
At nang aking mailahad
Ang nasa aking kalooban

Nais kong maging isang makata
Upang aking maisalaysay
Ang tunay na kahulugan ng buhay
At kung gaano kasarap mabuhay!

Nais kong maging isang makata
Upang aking magabayan
At sa liwanag ay maakay
Ang mga naliligaw sa landas ng buhay

Nais kong maging isang makata
Upang aking mahilom
Ang mga sugat sa puso
At mga peklat ng kahapon

Nais kong maging isang makata
Upang aking maisatitik
Ang awit ng kagalakan
O ang panaghoy ng kalumbayan

Nais kong maging isang makata
Upang maipakita ang hindi nakikita
Upang ibulong ang hindi naririnig
Upang maipadama ang hindi masabi

Nais kong maging isang makata
Nang sa pamamagitan ng matatalinghagang parirala
At sa aking munting paraan
Ay maihayag ko ang Mabuting Balita

Wednesday, April 15, 2009

April 14, 2009

Yes! Distribution of cards na! Makikita ko na naman ang mga namimiss ko!!!

Dapat sabay kami ni Kaila pagpunta sa school. Kaya lang, 'di natuloy. :'( Anyway, ang una kong nadatnan sa Kiosk ay sina Raisa, Lance, Juzelle at Chy. (Pareho kaming nakagreen ni Lance...) At unti-unti nang dumating ang classmates ko. Masaya talaga ako 'nung araw na 'yun kasi napunta ulit ako sa school at nakita ko nanaman ang mga kaklase at teachers ko, miss na miss ko na kasi sila!!!

'Nung kinuha ko na 'yung card namin, nalaman namin na may mga natanggal sa'min. Malungkot, kasi hindi na kami kumpleto. Sabi ko nga, sana hindi kami mabawasan, madagdagan lang. Pero sa isang klase dapat 'di lalampas ng 50 students kaya, wala na kaming magagawa. Pero kahit na ganun, may madadagdag din naman. Kaya lang, siyempre, iba pa rin ang first batch ng III-St. Albert the Great.

Tapos may time capsule din kami. Inilagay ko 'dun ay isang letter para sa classmates ko at isang kopya ng tulang "I am Special" na binigay ni Mrs. Cruz noon.

Siyempre, hindi matatapos ang araw kung hindi ko makakausap ang ilang friends ko. Merong pinagtatawanan nila 'yung picture ko 'nung recognition day. May nagparinig sa'kin ng isang "witchy laugh" sa cp niya. May isang medyo badtrip 'nung araw na 'yun. May NAKAIWAN sa'kin mg salamin niya. (Hindi ko alam na nasa akin pala 'yung salamin niya. Pero kinuha na niya sa'kin). May willing ibaon ang cellphone niya sa time capsule. May naglagay ng maraming "memorabilia" sa time capsule. Basta marami pang iba.

!2:00 nn na'ko nakauwi 'nun. Nakita ko 'yung card ko, may ilang tumaas, may bumaba. Pero thankful talaga ako dahil sa 98.02 at 98.10 na nakuha ko sa card. First time kasi 'yun ngayong third year.

Ngayon, I'm looking forward sa mangyayari sa June. Goodbye St. Albert. Hello St. Aloysius!

Easter Sunday

Pagkatapos ng pagpuprusisyon, pagbasa, pagtitika sa kasalanan, pagninilay sa sermon ng pari, fasting at abstinence, makalmot ng pusa at madapa sa hagdan namin, Easter Sunday na!

6:16 am na ako nagising... at dahil dun hindi ako nakapanood ng Salubong. First time kong hindi nakapanood ng Salubong simula 'nung Grade 5 ako. Hayy...wala akong magagawa, ganun talaga. Pero kahit na ganun, may chance pa naman akong makapanood ng "kapitana" sa Senakulo mamaya.

Anyway, kung hindi rin kayo nakapanood ng Salubong, visit niyo na lang ito: http://www.youtube.com/watch?v=ADRYAsL9CQs&feature=related

After naming magsimba at kumain, diretso na kami sa bagong site na kami ng Senakulo. 8:00 pm kami nakarating 'dun. Dati kasi sa Brgy. San Andres eh ngayon nasa Brgy. San Juan na. Isa pang dahilan kung bakit maaga kaming pumunta 'dun ay dahil sa nagtitinda kami 'dun. Madaling-araw na kaming natutulog kasi madaling araw na rin natatapos ang Senakulo. Isa 'yun sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagising ng maaga para manood ng Salubong.

At 'yun, nanood na kami. May bonus pang play tungkol sa Christianization ng Cainta. At sa wakas! Napanood ko rin ang pinakahihintay kong "Kapitana"! Anak ni Mrs. Amalia 'yung kapitana ng Baryo Dayap, si Mary Ybet Amalia. Sa Brgy. San Juan naman si Isabel de Guzman. Sa Brgy. San Roque si Jenny de Leon at sa Brgy. San Andres ay si Colette Cruz.

Pagkatapos 'nun, umuwi na kami ng ate ko kasi gagawa pa siya ng baby thesis. Tinulungan ko siyang gumawa 'nun. At 'yun...puyat pa rin.

Friday, March 27, 2009

Recognition Day



Kahapon, March 26, 2009, ang recognition ng HIgh School Department. 2:00 pm 'yung simula pro 1:00 pa lang nandoon na kami. Siyempre para magpicturan! Napakamemorable kasi ng third year kaya dapat madami akong pics. Ako nga 'yung pangatlong dumating; una si Kuya Pats sunod si Ate Sharmz tapos ako. Tapos nagpicturan na kami. Binigyan din kami ni Ms. Peligaria ng regalo. Nakabalot siya sa isang guft wrapper na kulay lilac at may design na Dora the Explorer.

After ng picturan, pumasok na kami ng Simbahan. Tapos nag-Holy Mass na. Ang ganda ng homily ni Fr. Blaise lalo na 'yung tungkol kay O"Neill ba 'yun?! Basta 'yung tungkol sa lalaking pinutol ang kamay para lang sa best part ng land. After ng Mass, recognition rites na. Balak sana namin nina Sharmaine at Frances nag-peace out sign sa picture with the certificate para 'di naman masyadong formal. Pero ayaw ng nanay ko kaya 'di ko ginawa. Tapos 'nung name ko na 'yung tinawag, nakipag-shake hands kaagad ako kay Monsi. Dapat pala magbebless! Anyway, ok lang naman 'yun.

After 'nung Rrcognition, natuloy muli ang naudlot naming picture taking. Nagpapicture din ako sa mga teachers ko pero hindi lahat kasi hindi ko nahagilap 'yung iba after the recognition. Kung gusto niyong makita 'yung ilang pics visit n'yo na lang frienster ko.

After 'nun, nag-KFC kami nina mommy at pia. Well, masarap ang gravy. Mainit-init na maanghang-ahang! Iinumin ko na sana kaso naalala ko naka-uniform pala ako 'nun. Kaya kinutsara ko na lang.

Hanggang dito na lang ang maikukwento ko. See you na lang ulit!

Friday, March 20, 2009

Goodbye, third year...

Hayy...bakasyon na... Nagsisimula na naman akong matulala... Boring kasi sobra! Kung pwede lang wala na lang bakasyon kasi 'pag hindi ako busy, kung anu-anong pumapasok sa utak ko.

Anyway, meron nga pala akong masayang balita... OS ako!!! Wala lang. 'Di ko kasi akalaing makakasabay ako sa pilot section. First-time ko kasi. Lalo tuloy akong na-inspire. Sa fourth year, mas pagbubutihin ko pa.

Namimiss ko na ang pinakamamahal kong section na St. Albert the Great!!! Sobra! Eto kasi ang pinakamasaya sa lahat ng naging sections ko. Ito ang pinakamakulit!!! Tapos hindi pa ako nakasama sa Farewell Party... :( Pero ayos lang 'yun.

Basta hindi ko maiexplain kung paano ko mamimiss ang 3rd year...

Ang daming first time na nangyari 'nung third year...

  1. First time magkaroon ng 28 girl classmates and 12 boy classmates (nice ratio!)
  2. " " maglakad pauwi...
  3. " " makapunta sa maraming bahay ng kaklase
  4. " " umuwi ng 9:30 pm dahil sa project...
  5. " " magkaroon ng poste sa classroom (si POLE!)
  6. " " makibirthday sa kaklase kasama ang buong klase
  7. " " magpabirthday...
  8. " " mag-CRAMMING (ito ang tinuro sa akin ng Albert na hinding-hindi ko malilimutan)
  9. First time ma-late nang madalas...
  10. " " magkaroon ng isang absent sa isang school year (least number of days absent in my whole school history...)
  11. First time na maubusan ng pera sa pitaka (naging magastos 'ata ako ngayon!)
  12. " " makapasok sa San Juan Elementary School
  13. " " nagconcentrate sa spiritual life (thanks to BOC and BBS)
  14. " " nagstay sa school na hanggang 6:00 pm
  15. " " sumali sa Choir at magcontribute sa Uhay

Ilan lang 'yan sa mga first-times sa 3rd year. Kaya naman hindi ko ito makakalimutan. Napakameaningful ng third year ko. It's a synthesis of joy, sorrow, success, challenges, expectations and hardships. Kaya naman to all the people that became a part of my third year life... I thank you!

Friday, February 27, 2009

A Unique Week

HAYY!!!
Kakaiba 'tong week na nagdaan...
Para malaman mo, kwento ko sa'yo...

MONDAY:
I am alone, with my head on the phone ang drama ko. Ako lang ang mag-isa sa bahay. Kaya habang kumakain ng brunch (breakfast and luch), napagdesisyunan kong magbasa in advance ng Noli Me Tangere. Pero nagkataon na nabasa ko ang nangyari sa Kabanata 57. Ito 'yung tungkol kay Tarsilo na sumasailalim sa "timbain." Kumakain pa naman ako 'nun, medyo nakakawalang-ganang kumain kasi medyo kadiri 'yung kabanata (mga nakatirik at nakausling mata, dugo, pugot na ulo ni Balat, yuck!). Try n'yong basahin 'yung buong version ng Noli...
So, after ko kumain, patapos na rin ako sa pagbabasa ng Noli. Nasa Kabanata 64 na'ko. At sa kabanatang 'to, may "multo." Eh since mag-isa ako sa bahay, kinikilabutan ako. Medyo nararamdaman kong may malamig na hangin na gumagapang sa binti ko. Tinigilan ko tuloy ang pagbabasa. Kaya tinawagan ko naman 'yung bestfriend ko. Eto ang record: nag-usap kami sa phone from 11:30 am to 5:30 pm! Ganyan namin ka-miss ang isa't-isa!

TUESDAY:
Anu ba ginawa ko 'nung Tuesday... 'di ko na maalala. Late 'ata ulit ako 'nun sa klase!!! Tapos after class nagpractice kami sa choir para sa Ash Wednesday Mass bukas. Since konti lang assignment ko... natulog ako sa sofa. Pagkagising ko, siguro mga 10:00 pm, 'dun ko lang naalala na may assignment pala sa C.L.:Corporal and Spiritual Works of Mercy!!! Kaya hinalungkat ko lahat ng C.L. books sa bahay at unfortunately... nagbrownout...

WEDNESDAY:
Buti na lang nagising ako ng 4:30 para gawin 'yung assignment at natapos ko naman. Ngayon balak ko namang magreview sa Chemistry. And again unfortunately, nagbrownout ulit. Take note: hindi pa plantsado P.E. uniform ko 'nun...
Pagpasok ko sa school, late na naman ako dahil 'dun sa epal na brownout na 'yun. Tapos, 'nung mass na, sabi ng iba SABOG daw... pero sa'kin ok lang...
'Nung MAPEH time, ginamit ko 'yung The Book Of Answers in Kuya Pats. In fairness, sa 10 tanong na tinanong ko 'dun sa libro, apat 'yung matinong sagot.

THURSDAY:
Hay naku, maraming HINDI KANAIS-NAIS, 'DI KAAYA-AYA AT NAKAKALUNGKOT na pangyayari ang naganap sa araw na'to. 'Yun lang ang masasabi ko. Isa na 'dun 'yung naamoy kong parang ipis 'yung kamay ko. Hindi ko alam kung bakit. Tapos narealize ko na lang na amoy-ipis 'yung mga rosary ko, (ganun ba kamahal ng mga ipis ang Diyos?) Kaya pag-uwi ko sa bahay nilinis ko 'yung pouch ng rosary.
First time ko ring tumambay kasama ang PIX after class. Doon kami tumambay sa Holy Circle. Tapos pag-uwi ko, may tumawag sa'kin; 'yung bestfriend ko. Iniimbitahan niya ako sa Foundation Day ng school nila sa Faith Christian Science High School (FCSHS) sa Saturday.
Miss ko pa rin si ____!

FRIDAY:
Ang araw na'to ay kabaligtaran ng THURSDAY. Masaya kasi ako ngayon. Naging ok na 'yung mga conflict kahapon.
At dahil birthday ni Mrs. Ma. Theresa Tolentino Cruz bukas, syempre kinantahan namin siya ng Happy Birthday, english at tagalog version. Pirmahan din ngayon ng ECA sheet. Tapos, ang ganda ng discussion namin sa C.L., parang Lenten Recollection. Spiritual Works of Mercy 'yung lesson namin. Nakakatouch. Nakaka-inspire. Medyo tinatamaan ako 'dun sa mga sinasabi ni Miss Brequillo. Pero marami naman akong natutunan. Madaming-madami.
Tapos sinamahan ako ni Jen na magpaphotocopy ng lesson namin sa Catechesis. Wala lang. Inakayat namin ang Library at pumanaog kami sa printing office pero parehong sarado. Pinagod lang namin sarili namin.
Since eto na 'ata 'yung last day ng pagtuturo namin sa SJES (San Juan Elementary School), sinabi ko kay Karen na mag-games nalang sila 'dun sa classroom. Tapos kami naman ni Ludi gagawa ng souvenirs para sa mga bata. 'Yung souvenir namin ay isang bookmark na may tula. Ang title 'nung tula Ang Krus sa Aking Bulsa. Tagalog version siya ng tulang The Cross in My Pocket. Natapos naman namin ni Ludi kaya pumunta kami sa SJES para ipabigay 'yun. Tapos 'nung nakita ko 'yung mga bata, parang nalungkot ako kasi baka ito na ang pormal naming pagkikita. Ngayon ko lang narealize na malungkot pala 'pag graduation na sa Catechesis. Parang nabitin tuloy ako...

Anyway, marami akong gagawin sa mga susunod na araw:
*Project in Chemistry
*Project in C.L.
*Foundation Day sa FCSHS
*Magbabike ako (buo na ulet bike ko! yehey!)
*Completion of requirements
*ECA sheet
*Periodic Exam
*quizzes
*assignments

So next time, marami pa akong ikekwento...
See you!

Sunday, February 22, 2009

Ang Unang Pahina...

Naka-online si Kuya Pats kanina. Inimbita niya ako na basahin ang blog niya. Na-inspire naman ako. Kaya heto!
May blog na ako!
Pangalawa ko na 'tong balik sa computer shop ngayong araw at pang-apat na beses naman para sa linggong ito. Kagagaling ko lang sa simbahan. May nakatabi akong tatlong batang babae sa upuan sa aimbaham. Ang kukulit nila! Pero cute sila. Naglalaro sila ng "BRABALIBINTAWAN". Para sa'kin, ayos lang 'yun. Makukulit talaga ang mga bata. Maya-maya, tinawanan nila ako (hindi ko alam kung ako talaga ang pinagtatawanan nila. Basta, bigla na lang silang bumungisngis). Ningitian ko na lang sila. At pagkatapos, isa sa tatlong batang babaeng iyon ay nagtanong sa'kin. Sabi niya, "kaklase mo ba si Joed?" Aba, kapatid pala sila ni Joed! Sabi ko, "oo". HIndi ko alam, kapatid pala sila ni Joed. Pagkatapos kong magsimba, nakita ko si Sister Lydia. Tinawag namin siya ng pinsan ko. At sabi ni Sister, "Ang babait naman ng mga estudyante ko!" (Imagine, mabait pala ako!)
Pagkauwi sa bahay, pinag-usapan namin ng mga pinsan ko ang mga Desperadas. Sila 'yung mga taong pinagkakatuwaan naming pag-usapan at pagchismisan kasi cute sila. Ewan ko ba sa pinsan ko kung bakit Desperadas ang tawag niya sa kanila. 'Wag kang mag-alala, 'di ka kasama 'dun!
Tapos, diretso ako ngayon sa computer shop. Libre naman ng pinsan ko kaya ok lang. (Nakalibre ako! Hahaha!) At eto nga, tinatype ko "ang unang pahina". O sige, hanggang dito na lang muna. Five minutes na lang, magtatime na ako dito sa computer shop.
Reminder: May assignment tayo sa English:pp.333-334 D. Values-Appreciating :)